Some
other stuff i have. : )
---------------------------------o0o--------------------------------
ANONG CLASS KA
Ako
ay Pilipino, taas noo kahit kanino!
Ano
ba talaga ang pinoy??? Kung iisipin mong mabuti: ang pinoy
ay isang halo-halo na tao. May kaunting Aeta, kaunting
Chinese, kaunting Kastila, etc. etc.
Ang
problema sa pinoy ay mayroong tinatawag na "Class
RACISM". Hinihiwalay ang tao sa A, B, C or D. Bato
bato sa langit, tamaan huwag magalit.
Ang
Class A ay yung mga lumang yaman. Mga apelyido nila ay
Ayala, Lopez, Soriano.
Nakapasok
rin dito ang mga bagong yamang "chinese" tulad
nina Concepcion, Tan, Gokongwei, Cojuangco.
Hindi
yan nagkokotse (natatakot na makidnap). Naka helicopter
yan papunta sa opisina. Kung nakakotse (Range Rover )
o S class na Chedeng o BMW 7 series) at may bodyguard
na kasama.
Ang
mga damit niyan ay mamahalin pero walang tatak na kilala
ng karaniwang FTR Tao dahil sa Europa lang nabibili. Hindi
na nila kailangang magyabang ng damit dahil alam na ng
tao na mayaman sila. Ang mga anak nila ay nagaaral sa
mamahaling eskwelahan sa Tate o UK.
Ang
problema lang sa mga ito ay kahit tinatawag nila ang sarili
na Pinoy, ang mga TAI PAN ay hindi pumapayag na mag asawa
ang mga anak nila sa mga hindi Chinese.
Maraming
mga T.H. na gustong sumama dito, karaniwan ay mga pulitiko,
crony, artista, ibang balikbayan (na dahil galing lang
Tate ay akala mo na kung sino, burgis. Mga class B
lang ang mga yan kahit na may pera.
Mahilig
ang Class B sa mga damit na mamahalin at may pangalan
na nakatatak sa malalaking letra tulad ng POLO o di kaya
ay DKNY o yung maliit na buwaya sa dibdib.
Ang gusto nila sa sapatos ay yung may pangalan din tulad
ng GUCCI o FERRAGAMO o COLE-HAAN.
Mahilig
silang maglakad na may nakakabit na telepono sa sinturon
para masabing importante daw sila o may kaya sila. Mahilig
gumimick ang mga class B dahil hindi sila natatakot lumabas
at makidnap. Makikita ang mga yan sa d FORT o di kaya
sa Makati Ave
sa mga gara nilang sasakyan na galing sa Hapon o Alemanya.
Mahilig sila sa kape na napakamahal. Hindi uubra diyan
ang Great Taste o Nescafe.
Karaniwan
ay ang mga anak nila ay nasa tinatawag na "exclusive
schools", kung bakit ganyan ang tawag ay hindi ko
alam. Exclusive kanino-sa may pera siyempre.
TAG
Heuer ang relos na pinipili nito, Kung mas may kaya ay
Rolex or Cartier. Mahilig ang mga yan na magsalita ng
ingles, kahit kausap nila ang tindera sa Shoemart (kung
magpapakita sila na pumupunta sila sa loob ng tindahan
na ito na para sa Class C).
Ang
Class C ay ang mga karaniwang tao, hindi naman squatter
pero hindi kayang mag-aksaya ng pera sa mga katarantaduhan
tulad ng cerveza na imported, telepono na nadadala (cell
phone ika nga),damit na may tatak. Maswerte na ang C kung
may kotse sila, minsan nakakabili ng gamit na gawang Hapon
o kung may tulong galing sa isang kamaganak sa Tate ay
bagong gawang Hapon na kotse. Hindi kaya ng C ang kotseng
galing Europa o yung mga tinatawag na SUV.
Ang
mga damit naming may pangalan ay galing sa Divisoria (i.e.,
PEKE) at Tiangge ng Greenhills at hindi sa Makati o Hong
Kong. Mahilig rin gumimick ang mga taga C, pa sine-sine,
manood ng concert,kumain sa Jolibee, pumunta sa beerhouse.
Masyadong
mahal yung mga d FORT para sa kanya. Timex, Casio, Seiko
ang kayang bilhin na relos.
Maraming
C gustong maging B. Hindi na nila inaasam na maging A
dahil alam nilang imposible ito (kahit manalo sa lotto).
Ang
pinakamalaki ay ang Class D. Dito nangampanya si ERAP
nung eleksyon kaya nanalo. Yan ay si Juan dela Cruz sa
kalye na isang kahig isang tuka. Sila ang naaapi, at mas
lalong nahihirap dahil sa systema ng gobyerno natin na
"patronage system". Kahit sumigaw tayo hanggang
mapaos ay walang mangyayari sa gobyerno natin. Masyadong
nasisilaw sa pera ang tao, kahit maganda ang intensyon
niya sa pagpasok sa Gobyerno. Hindi ko masasabi na hindi
rin ako magbabago kung naging senador o congressman ako
(panaginip).
Ano
ang solusyon???--- Hindi ko alam. Ang magagawa ko lang
ay ang pagrespeto sa lahat ng tao kesa A, B, C o D ka.
Wala
akong pakialam kung anak ka ng senador na nagaaral sa
Ateneo o batang kalye.
Respeto
lang sa isa't isa kababayan. Wala nang patawag tawag na
"baduy" ang isang tao o "walang class".
Ano
rin ang moral lesson ? Huwag nang magpaka-trying hard
sa pag-a-attempt na maka-angat ka ng class level.
Hindi
mo kailangang mag-pa-impress kahit kanino . Ma-o-obvious
ka lang at chipipay pa ng dating mo ..
Hindi
makukuha ang kaligayahan depende sa impresyon ng society
sa iyo.Magpaka-simple
ka at kung sa'n ka masaya du'n ka .... yang mga tunay
na kaibigan mo - yan ang yaman mo - higit sa lahat , yung
relasyon mo sa nasa ITAAS ... yan ang pinaka-importante
... Tumpak!
(Author Unknown)
---------------------------------o0o--------------------------------